Pang-aabuso sa mga manggagawa pinuna ni Sen. Imee Marcos
Hiniling ni Senator Imee Marcos sa Department of Labor and Employment (DOLE) na imbestigahan ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga manggagawa kasabay nang pagpapatupad ng flexible work arrangements ngayong may pandemiya dulot ng COVID-19.
Ayon kay Marcos maraming nagsusumbong at nagrereklamo sa kanya, karamihan ay mga nagta-trabaho sa call centers.
Kabilang na dito aniya ang hindi pagpapa-suweldo ng 60 hanggang 90 araw, kawalan ng separation benefits sa mga inalis sa trabaho, extended working hours, hindi pagbabayad sa kuryente at internet sa mga nasa work from home at iba pa.
Paalala ni Marcos may abiso ang DOLE noong Marso at Mayo na nag-aatas ng pagkakaroon ng konsultasyon sa mga kawani bago ipatupad ang flexible work arrangements.
“The complaints are not just coming out of smaller call centers but also from top-listed companies that were earning billions in annual income. One even reportedly cut its workforce to less than half,” sabi ng senadora.
Nangangamba si Marcos na mayroon ng malawakang pang-aabuso sa mga manggagawa ngayon may pandemiya, hindi lang sa business process outsourcing o BPO.
Hinihikayat niya ang BPO’s na alagaan ang kanilang mga empleado bilang paghahanda sa pagsigla muli ng mga negosyo dahil may mga kompaniya na aasa na sa outsourcing services para makatipid.
Banggit nito mismong si Labor Sec. Silvestre Bello III na ang nagsabi na may mga senyales na bumubuti na ang BPO industry at mangangailangan ng 6,000 bagong empleyado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.