Ayon kay Robes, bukod sa ipinatutupad na protocols para maiwasan ang pagkalat ng virus sa mga komunidad, dapat tutukan rin ng mga lokal na pamahalaan ang mga kaso ng anxiety o depression sa gitna ng pandemya.
Iginiit rin nito ang kahalagahan na maging bukas at palagian ang komunikasyon ng bawat pamilya at magkakaibigan.
Una nang nagpahayag ng pagkaalarma ang World Health Organization sa pagdami ng mga taong dumaranas ng depresyon sa buong mundo bilang epekto ng Covid-19 kabilang ang social isolation, takot na mahawa ng sakit at pangamba sa pagkawala ng kita at trabaho.
Kaugnay nito, nanawagan rin ang kongresista sa publiko na magbigay ng panahon at donasyon sa mga cause-oriented group gaya ng National Suicide Prevention Lifeline.