Mahigit 16,000 na umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19 sa nakalipas na 11-araw

Simula noong June 12 hanggang ngayong araw June 23 ay mayroong mahigit 16,000 pang umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroon pang 16,223 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Maaring makita ang listahan ng mga nag-negatibong Pinoy sa link na https://coastguard.gov.ph/images/2020_Files/RT_PCR/4_LIST_OF_ADDITIONAL_RT_PCR_NEGATIVE_RESULT_16223_as_of_22_2100H_JUN_2020_ID_LAB.pdf?fbclid=IwAR2Or7rJMdYQWpLJnHxDLY2cFciBcbC-XWDnDgr4KYKyvTco8l8wrvDImEY https://coastguard.gov.ph/images/2020_Files/RT_PCR/3_LIST_OF_ADDITIONAL_RT_PCR_NEGATIVE_RESULT_14404_FOR_21_2306H_JUN_2020_ID.pdf

Ang mga nasa listahan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

 

 

 

Read more...