Frontliners bibigyang pagkilala sa pagdiriwang ng Araw ng Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2020 - 10:06 AM

Ang mga frontliner ang magiging tampok sa paggunita ng ika-449 anibersaryo ng Araw Ng Maynila.

Naghanda ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, sa pangunguna ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) ng mga programa at aktibidad bukas, June 24.

Ayon kay DTCAM Director Charlie Duñgo, sesentro ang pagdiriwang sa pagkilala sa kabayanihan ng mga frontliners.

Karamihan sa programa ay idaraos online partikular ang tribute sa mga frontliners na gaganapin alas 6:30 ng gabi bukas.

Tiniyak din ng DTCAM na mahigpit nilang ipatutupad ang mga gabay ng Inter-Agency Task Force hinggil sa physical distancing at limitadong bilang ng mga bisita para sa mga programang tulad ng pag-aalay ng bulaklak.

 

 

 

TAGS: Araw ng Maynila, covid pandemic, COVID-19, department of health, frontliners, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, Araw ng Maynila, covid pandemic, COVID-19, department of health, frontliners, general community quarantine, Health, Inquirer News, manila, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.