Tradisyunal na basaan sa San Juan City hindi muna isasagawa ngayong taon
Wala munang magaganap na basaan sa San Juan sa pagdiriwang ng kanilang kapistahan sa June 24, araw ng Miyerkules.
Taun-taon ay naging tradisyon na sa San Juan ang pagbabasaan kapag araw ng kapistahan.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, ngayong daon, dahil sa pandemic ng COVID-19, magiging taimtim na pagdiriwang ng fiesta na may temang “Basbasan sa Makabagong San Juan”.
Magdaraos ng pagbabasbas sa float ng imahe ni San Juan Bautista sa City Hall.
Pagkatapos nito ay ililibot ang imahe sa lungsod.
May mga pari na kasama sa parada na magbabasbas sa mga San residente.
Ang mga residente na madaraanan ng float ay pinapayuhang manatili sa bungad ng bahay o bakuran para sila ay mabasbasan.
Pinaalalahanan din silang sumunod sa social distancing protocols at magsuot ng face mask.
Magdaraos din ng misa sa St. John the Baptist Church na naka-live stream para mapanood ng mga residente.
Paalala ni Zamora, ipinagbabawal muna ang nakasanayan na basaan para maiwasan ang panganib na dala ng hawaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.