DepEd nagpaalala sa ‘outdated’ at ‘unaccredited’ learning materials
Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa publiko hinggil sa ‘outdated’ at ‘unaccredited’ na learning materials na binebenta online.
Paalala ng DepEd maging mapanuri sa mga link na naglalaman ng learning materials at modules na mula umano sa DepEd at DepEd Commons.
Maari kasing hindi authorized at maaaring luma na ang mga materyal.
Para matiyak na lehitimo ang source, magpunta lamang sa DepEd Learning Resource Portal https://lrmds.deped.gov.ph/ at DepEd Commons https://www.commons.deped.gov.ph upang i-download ng libre ang mga learning material na authorized at quality-assured ng DepEd.
Paalala ng DepEd ang anumang pagbebenta o pamimigay ng learning materials sa paraang hindi authorized ay maaaring i-report sa [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.