Sundalo patay, 9 pa sugatan sa engkwentro sa Sulu

Nasawi ang isang sundalo habang siyam na kasamahan pa niya ang sugatan sa engkwentro sa Abu Sayyaf sa Patikul, Sulu.

Ayon sa ulat ng Western Mindanao Command (WestMinCom) nakasagupa ng mga tauhan ng 32nd Infantry Battalion ang mga rebelde sa Sitio Tubig Bukayon, Barangay Pansul.

Sinabi ni Joint Task Force Sulu chief Major General Corleto Vinluan na patuloy ang hot pursuit operations nila laban sa mga tumakas na rebelde.

Ang sagupaan ay nagresulta sa pagkasawi ng isang sundalo at pagkasugat ng siyam na iba pa.

Habang hindi pa tukoy kung ilan ang nasugatan sa panig ng kalaban.

 

 

Read more...