Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 30,000
By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2020 - 07:53 AM
Mahigit 30,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos sa nakalipas na magdamag.
Sa pinakahuling datos, ang US ay mayroon nang mahigit 2,387,000 na kaso ng COVID-19.
Umabot naman na sa mahigit 122,600 ang bilang ng mga nasawi sa Estados Unidos.
Mayroong mahigit 991,000 na naka-recover sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 1.2 million na aktibong kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.