Operasyon ng MRT-3 sususpindihin sa loob ng apat na weekend simula sa Hulyo

By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2020 - 07:40 AM

Simula sa Hulyo hanggang sa Setyembre mayroong apat na weekend na magpapatupad ng suspensyon sa biyahe ng MRT-3.

Ayon sa DOTr MRT-3, layon nitong mapabilis ang rail replacement sa buong linya ng MRT-3 na naka-schedule matapos sa Sept. 2020.

Sa abiso ng MRT-3 ang suspensyon ng operasyon ay sa sumusunod na mga petsa:

July 4-5
August 8-9
August 21-23
September 12-13

Sa nasabing mga petsa, isasagawa ang rail replacement works sa southbound at northbound tracks kabilang ang turnout tracks na nasa North Avenue at Taft Avenue stations.

Sa sandaling makumpleto na ang pagpapalit ng riles sa buong linya ng MRT-3 ay maitataas sa hanggang 60kph ang takbo ng mga tren.

 

 

TAGS: Inquirer News, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rail replacement, railways, suspension of operations, Tagalog breaking news, tagalog news website, Train, Inquirer News, MRT 3, News in the Philippines, Radyo Inquirer, rail replacement, railways, suspension of operations, Tagalog breaking news, tagalog news website, Train

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.