Bahagi ng Putatan, Muntinlupa isasailalim na sa lockdown mula ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2020 - 06:50 AM

Isasailalim sa labinglimang araw na lockdown ang bahagi ng Brgy. Putatan sa Muntinlupa City.

Ayon sa Muntinlupa City local government, mula alas 12:01 ng tanghali mamaya (June 23) ay sisimulan na ang lokdown sa Block 35 Excess Lot sa Soldiers’ Hills Village sa naturang barangay.

Tatagal ang lockdown hanggang sa tanghali ng July 7.

Isasara ang tatlong daan papasok sa nasabing komunidad.

Ang desisyon ay kasunod ng pagkakaroon ng sampung kaso na ng COVID-19 sa lugar.

Inabisuhan ang mga residente na maghanda na para sa lockdown.

Bumili na ng pagkain ay gamot at iba pang mahahalagang kailangan.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, Muntinlupa, News in the Philippines, Putatan, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, Muntinlupa, News in the Philippines, Putatan, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.