Duque, IATF officials malinis at may integridad ayon kay Pangulong Duterte

Kasunod ng ikinakasang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suporta kay Health Sec. Francisco Duque III at mga opisyal ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) .

Sa kaniyang pahayag sinabi ng pangulo na kung tatanungin siya ng Ombudsman, handa siyang patunayan ang katapatan at integridad ng mga miyembro ng IATF.

Malinis aniya at tiwala siya sa lahat ng miyembro ng task force.

Dagdag pa ng pangulo matinding sakripisyo ang ginagawa ng mga taga-gobyerno para sa laban ng bansa sa COVID-19.

Magugunitang sinabi ng Ombudsman na iimbestigahan nito si Duque at mga iregularidad sa Department of Health (DOH).

 

 

Read more...