Trump at Clinton, panalo sa kanilang pinakahuling caucuses
Parehong nagtamasa ng tagumpay ang bilyonaryong businessman na si Donald Trump ng Republican at dating US Secretary of State Hillary Clinton ng Democratic sa dalawang magkaibang caucuses sa Amerika.
Muling nanguna si Trump sa mga presidential candidates ng Republican nang manalo siya sa South Carolina Republican caucuses nitong nakaraang araw.
Natalo naman ni Clinton ang kaniyang mahigpit na kalaban na si Vermont Sen. Bernie Sanders sa Nevada Democratic caucuses.
Dahil naman sa pagiging kulelat sa unang tatlong Republican caucuses, sinuspende muna ni dating Florida Gov. Jeb Bush matapos siyang mapunta sa ika-apat na pwesto sa South Carolina.
Ang mga pinakahuling panalo nina Clinton at Trump ay naglagay sa kanila sa matitibay na posisyon habang papalapit na ang Super Tuesday o ang multistate voting contests na magaganap sa March 1.
Aminado si Trump na hindi madali ang tumakbo bilang pangulo, pero kapag naman siya ay nananalo, masarap ito sa pakiramdam.
Maganda rin ang resulta nito kay Trump dahil walang Republican ang nanalo sa South Carolina at New Hampshire ang hindi nananalo sa nominasyon.
Napawi naman ang mga pangamba ng mga sumusuporta kay Clinton na baka maungusan siya ni Sanders dahil na rin sa kaniyang 5-point win.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.