Anti-Terror Bill sumasailalim pa sa review ng legal team ng Malakanyang

By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2020 - 06:05 AM

Sumasailalim pa rin sa review ng legal team ng Palasyo ng Malakanyang ang anti-terror bill.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, matapos niyang mabasa ang panukalang batas ay inindorso niya ito sa legal team.

Matapos marebisa ng legal team, ibabalik ito sa kaniya kasama ang rekomendasyon kung ito ba ay dapat aprubahan o hindi.

Ang naturang panukalang batas ay sinertipikahang urgent ni Pangulong Duterte.

Noong June 9 nang mai-transmit ang panukala sa Palasyo para sa lagda ng pangulo.

Una nang sinabi ng Malakanyang na aaprubahan at lalagdaan ng pangulo ang nasabing batas.

Kailangan lamang umanong ikunsidera ng pangulo ang mga legal advice bago ito pirmahan.

 

 

TAGS: anti terror bill, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, anti terror bill, Inquirer News, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.