Monsoon break mararanasan pa rin sa susunod na tatlong araw ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo June 23, 2020 - 05:37 AM

Wala pa ring mararanasang pag-ulan sa bansa na dulot na Habagat sa susunod na mga araw.

Ayon sa PAGASA, ridge of high pressure area ang umiiral sa bansa kaya makararanas pa rin ng monsoon break sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Dahil dito, magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa buong bansa.

Sa Metro Manila ngayong araw, posibleng umabot sa 34 degrees Celsius ang pinakamataas na antas ng temperatura.

Inaasahan namang aabot sa 36 degrees Celsius ang maximum na temperatura sa Tuguegarao City.

Makararanas lamang ng localized thunderstorms sa hapon o gabi dahil sa easterlies.

 

 

 

 

TAGS: monsoon break, Pagasa, weather, monsoon break, Pagasa, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.