Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 429

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Lunes, June 22) , nadagdagan ng 6 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 429 habang 161 ang active cases.

Nanatili sa 77 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 667.

Samantala, nasa 131 ang bilang ng probable habang nasa 574 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

 

Read more...