Special non-working holiday idineklara sa Maynila sa June 24
By Angellic Jordan June 22, 2020 - 09:02 PM
Idineklarang ng Malakanyang na special non-working holiday sa Lungsod ng Maynila sa June 24, 2020.
Batay ito sa inilabas na Proclamation No. 969 na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea.
Ito ay bilang selebrasyon ng ika-449 Founding Anniversary sa lungsod sa nasabing petsa.
Nakasaad sa proklamasyon na sa pagdaraos ng mga aktibidad, pinayuhan ang lahat na pairalin pa rin ang social distancing at public health measures.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.