Sa datos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Lunes (June 22) ng hapon, nakapagtala ng 2,193 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa mga Pinoy sa Middle East at Europe.
Dahil dito, sumampa na sa 8,301 ang kabuuang bilang ng mga Pinoy sa abroad na nagpositibo sa COVID-19.
Sa nasabing bilang 2,740 na lamang ang nagpapagaling pa.
Habang 5,055 ang naka-recover na at nakalabas na ng pagamutan.
Nadagdagan din ng 10 ang bilang ng mga nasawi, kaya umabot na sa 506 ang COVID-19 related deaths sa mga Pinoy na nasa ibang bansa.
Ayon sa DFA ang mataas na dagdag sa kaso at sa bilang ng naka-recover ay resulta ng pagpasok na ng mga late na report mula sa mga bansa sa Middle East.
Sumunod dito ang Europa na may 946 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 685 naman ang kaso sa Americas at 574 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tutukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.