Kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas, 396 na

Umabot na sa 396 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.

Batay sa datos Department of Health EV CHD hanggang 3:00, Lunes ng hapon (June 22), sa nasabing bilang ay 357 ang naka-confine pa sa mga ospital at naka-isolate.

Narito ang naitalang kaso ng nakakahawang sakit sa mga sumusunod na lugar:
– Leyte – 177
– Southern Leyte – 36
– Northern Samar – 7
– Biliran – 7
– Eastern Samar – 1
– Samar – 81
– Tacloban City – 37
– Ormoc City – 50

Nasa 39 naman ang total recoveries sa COVID-19 sa Eastern Visayas.

 

 

Read more...