Bahagi ng Barangay Putatan sa Muntinlupa isasailalim sa lockdown

By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2020 - 04:21 PM

(UPDATE) Isasailalim sa lockdown ang bahagi ng Barangay Putatan sa Muntinlupa.

Lunes (July 22) nagpulong na ang lokal na pamahalaan kasama ang mga concerned agency para sa ipatutupad na lockdown sa Block 35, Excess Lot Soldier Hills, Putatan.

Ito ay dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa naturang lugar.

Ayon sa Muntinlupa City Government, ipatutupad ang lockdown sa nasabing lugar simula bukas June 23, alas 12:01 ng tanghali.

Tatagal ang lockdown hanggang July 7, 2020, 11:59 ng umaga.

Inabisuhan ang mga residente na maghanda na para sa lockdown. Bumili na ng pagkain ay gamot at iba pang mahahalagang kailangan.

Habang umiiral ang lockdown ay isasara ang tatlong entry at exit points sa lugar.

Magsasagawa di ng mass testing sa mga reisdente.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, Excess lot Soldier Hills, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, Muntinlupa, News in the Philippines, Putatan, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, Excess lot Soldier Hills, general community quarantine, Health, Inquirer News, lockdown, Modified general community quarantine, Muntinlupa, News in the Philippines, Putatan, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.