Pang. Duterte nilagdaan ang batas na naglilipat ng capital at seat of government ng Rizal mula Pasig patungong Antipolo City

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na naglilipat sa capital at seat of government ng probinsya ng Rizal mula sa Pasig City patungong Antipolo City.

Ayon sa Malakanyang, nilagdaan ng pangulo ang Republic Act No. 11475 noong June 19.

Sa paglagda ng batas, ang kasalukuyang provincial capitol ng Rizal na nasa Antipolo ang magiging official Provincial Government Center na ng lalawigan.

Magiging epektibo ang batas, 15 araw matapos maisapubliko sa mga pahayagan o sa Official Gazette.

Ang Pasig City ay dating bahagi ng lalawigan ng Rizal.

Dati ring nasa Pasig ang kapitolyo ng Rizal kaya may bahagi ng Pasig City na kung tawagin ngayon ay ‘Kapitolyo’.

Noong 1975, naging bahagi na ng Metro Manila ang Pasig City.

Taong 2009 naman ng magsilbing de facto capital ng Rizal province ang Antipolo matapos na itayo doon ang provincial capitol building.

 

 

 

Read more...