LOOK: 240 OFWs wala pang 5-araw sa nanatili sa quarantine facility sa Clark; inihatid na pauwi matapos mag-negatibo sa COVID-19

Inihatid na pauwi ang 240 overseas Filipino workers (OFWs) matapos manatili lamang ng wala pang limang araw sa quarantine facility sa Clark.

Ito ay matapos lumabas na ang negatibong resulta ng kanilang RT-PCR test mula sa J.B. Lingad Memorial General Hospital.

Makaraang mag-negatibo sa test ay inisyuhan din sila ng certification ng Bureau of Quarantine.

Ang 240 na OFWs ay bahagi ng mahigit 300 repatriates na dumating sa Clark International Airport noong June 18 galing London.

Mula sa Clark, isinakay sila ng bus patungo sa kanilang destinasyon.

 

 

Read more...