Presyo ng gasolina tataas ng mahigit piso kada litro bukas

Mayroong mahigit pisong pagtaas sa presyo ng kada litro ng gasolina ang mga kumpanya ng langis bukas.

Sa abiso ng mga kumpanya ng langis taas ng P1.05 ang kada litro ng gasolina; 30 centavos ang kada litro ng kerosene at 85 centavos ang kada litro ng diesel.

Epektibo alas 6:00 ng umaga bukas ang price hike ng Shell, Flying V, at Petro Gazz.

Habang alas 4:01 naman ng hapon ang taas presyo ng Cleanfuel.

 

 

 

Read more...