P3.2M na halaga ng ‘agarwood’ na isa sa pinakamahal na raw materials sa paggawa ng pabango, nakumpiska ng DENR at NBI

May nakumpiska ang pinagsanib na puwersa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Bureau of Investigation (NBI) na ‘agarwood’ – na pinakamahal na “raw materials” sa paggawa ng pabango sa mundo.

Ayon sa NBI, aabot sa 20 kilo ng agarwood ang nakumpiska sa operasyon sa Pasig City at Cainta.

Tinatayang aabot sa P3.2 million ang mga nagkumpiskang agarwood.

Apat naman ang naaresto na kinilalang sina Ramil Ong, Bernie Bagay, Rizal Mofar at Arjhun Gaviola.

Ang Agarwood ay isa sa pinakamahal na raw materials na ginagamit sa paggawa ng pabango.

Dito sa Pilipinas, umaabot sa P160,000 kada kilo ang bentahan nito.

Ang mga nakumpiskang agarwood shipments ay high-grade quality at maaring kinuha umano sa Surigao at Agusan provinces.

Ang Agarwood ay nakukuha mula sa mga puno ng Lapnisan at Lanete na kapwa nasa “national list of threatened Philippine plants” ng DENR.

 

 

Read more...