Madalas na brownouts sa Iloilo, pinaiimbestigahan sa DOE, ERC

By Erwin Aguilon June 22, 2020 - 11:19 AM

Kinalampag ng ilang kongresista ang Department of Energy (DOE), Energy Regulatory Commission (ERC) at maging ang Kamara na silipin ang problema sa kuryente ng mga taga-Iloilo City.

Ito’y dahil sa madalas pa ring brownouts na perwisyo ang dulot sa mga residente at negosyo sa lungsod lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Iginiit ni Ako Bisaya Partylist Rep. Sonny Lagon na hindi dapat magdusa ang consumers dahil sa isyu ng dalawang distribution utilities.

Bukod sa brownouts, inirereklamo rin ng consumers ang napakataas na bayarin at mali-maling billing calculations ng More Electric and Power Corporation (MORE).

Sinegundahan ni Abang Lingkod Party-List Rep. Joseph Steven Paduano ang agarang imbestigasyon sa bagay na ito dahil habang tumatagal anya ang pagresolba sa isyu ay kawawa ang Iloilo.

Sa panig ni PHILRECA partylist Rep. Presley de Jesus, sinabi nitong lubhang nakababahala na ang mas mahabang brownouts dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan at kaligtasan ng mga Ilonggo gayundin sa pagkaparalisa ng operasyon ng mga negosyo.

TAGS: DOE, erc, Iloilo, power interruption, DOE, erc, Iloilo, power interruption

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.