Term-sharing sa speakership post ayaw pag-usapan ni House Speaker Cayetano

By Erwin Aguilon June 22, 2020 - 10:53 AM

(AP Photo/Bullit Marquez)

Ayaw pag-usapan ngayon ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang term-sharing nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa Oktubre.

Ayon kay Cayetano hindi ngayon tamang panahon para pag-usapan ang pagbabagong mangyayari sa Speakership post dahil nasa gitna pa ng COVID-19 crisis ang bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Cayetano na bagama’t maituturing nasa “wartime” ngayon ang Kongreso dahil sa COVID-19 pandemic, patuloy pa rin naman aniya ang paghahanda na kanilang ginagawa para sa transition na mangyayari.

Patuloy din aniya ang kanilang pakikipag-usap sa mga supporters ni Velasco sa pagnanais na “minimal” lamang ang pagbabago sa transition na gagawin lalo na sa chairmanship sa mga komite.

Iginiit ni Cayetano na marami nang “significant achievement” ang 18th Congress at nais nilang ipagpatuloy ito kahit sa gitna ng krisis dulot ng pandemiya.

Magugunitang sa kasunduang inayos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016, si Cayetano ang napiling maupo bilang Speaker ng Kamara hanggang sa darating na Oktubre at si Marinduque Rep. Lord Alan Velasco naman ang siyang papalit hanggang sa matapos ang 18th Congress.

 

 

 

TAGS: Congress, house speaker, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, term sharing, Congress, house speaker, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, term sharing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.