MMDA nakapagtatala ng isang aksidente bawat araw sa inilagay na concrete barriers sa EDSA

May 30 2020
ROAD REVIVAL- Yellow concrete barriers are placed along EDSA Guadalupe for a single bus lane scheme where the number of buses traversing along EDSA would be reduced from 2,500 before the lockdown to 600 under the GCQ, as the metro anticipates the resumption of public transport on June 1. Buses, MRT/ LRT, TNVS, P2P shuttle services and bicycles will be allowed to operate but with limited passenger capacity.
INQUIRER/ MARIANNE BERMUDEZ

Sunud-sunod na aksidente na ang naitatala sa bagong lagay na mga concrete barriers sa EDSA para sa mga bus.

Sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), simula noong June 1 hanggang June 19 nakapagtatala ng isang aksidente kada araw sa concrete barriers.

Ayon kay MMDA traffic head for Edsa Bong Nebrija, inirereklamo ng mga motorista ang concrete barriers.

Pero ani Nebrija, naglagay naman sila ng hazard markers para maging gabay ng mga motorista.

Karamihan din aniya sa dahilan ng aksidente ay dahil nakainom ang driver, nagce-cellphone ang driver, o kaya ay overspeeding.

Samantala, patapos na ang paglalagay ng bus stop sa gitna ng EDSA ayon kay Nebrija.

 

 

Read more...