Pagtaas ng COVID-19 positive na pulis sa Cebu ikinabahala ng PNP
By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2020 - 10:41 AM
Ikinabahala ng Philippine National Police (PNP) ang pataas ng kaso ng COVID-19 sa mga pulis sa Central Visayas.
Ayon kay PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa, mahigit 100 pulis ang apektado ng COVID-19 sa rehiyon.
Nitong nagdaang mga araw ani Gamboa ay nakikitan ng pagtaas sa kaso ng COVID-19 sa mga pulis sa Cebu.
Ani Gamboa, minamadali na ang laboratoryo sa Cebu para makapagsagawa ng RT/PCR sa mga pulis doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.