136 na volcanic earthquake naitala sa Mt. Kanlaon
By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2020 - 09:57 AM
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 136 na volcanic earthquake sa Mt. Kanlaon.
Ayon sa volcano bulletin ng Phivolcs, apat dito ang naramdaman at nakapagtala ng intensities Lunes (June 22) ng madaling araw.
Ang pagyanig ay mayroong magnitude na 3.2 hanggang 4.7.
Nakapagtala din ng moderate emission ng steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 200 meters.
Nananatili sa alert level 1 ang Mt. Kanlaon na nangangahulugang hindi pa rin normal ang kondisyon nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.