Mayor ng Daanbantayan, Cebu nagpositibo sa COVID-19

Isa pang alkalde sa Cebu ang nagpositibo sa COVID-19.

Inanunsyo ni Daanbantayan, Cebu Mayor Shu Shimura na positibo siya sa sakit matapos sumailalim sa swab test.

Ayon kay Shimura, bago ang kaniyang test, dumalo siya sa pulong sa kasama si Cebu Gov. Gwen Garcia noong June 17.

Pagkatapos noon ay nakaranas na siya ng sintomas gaya ng ubo at lagnat kaya nagpasailalim siya sa swab test.

Iniutos na ni Shimura ang pagsasagawa ng disinfection sa buong municipal hall building.

Suspendido din muna ang operasyon ng mayor’s office sa loob ng isang linggo.

Magugunitang si Lapu-Lapu City mayor Junard Ahong Chan ay nauna na ring nagpositibo sa COVID-19.

 

 

Read more...