Mahigit P42M halaga ng shabu, mga armas nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon ng PDEA-NCR; 7 kabilang ang isang Chinese arestado

Umabot sa P42 milyong pisong halaga ng illegal na droga at samu’t saring mga armas ang nakumpiska sa tatlong magkakahiwalay na buy-bust operation na ikinasa ng mga Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Quezon City at Malabon kahapon araw ng Lingg (June 21).

Unang isinagawa ang buy-bust sa bahagi ng Mindanao Avenue sa Barangay Bagong Pag-Asa sa Quezon City kung saan naaresto ng mga tauhan ng PDEA-NCR tatlong suspek na kinilalang sina Datu Boy Nasser alyas Taba; Norhana Nasser alyas Puti at Said Ampakay.

Nakuha mula sa kanila ang P6.8 million na halaga ng illegal na droga at isang Mitsubishi Montero.

Sa follow-up operation na ikinasa naman sa Rockville Subdivision, San Bartolome, Novaliches, Quezon City nadakip ang mga supplier ng tatlong naaresto sa Mindanao Avenue.

Kinilala ang mga nadakip na sina Kenneth Pareja Maclan, Dennis Santos Roque, Harold Villasana at Carlito Salazar Biglang-awa.

Nakuha naman sa kanila ang tinatayang P840,000 na halaga ng ilegal na droga.

Nakuhanan din sila ng iba’t ibang uri ng mga armas at pampasabog.

Sa ikatlong operasyon na ikinasa sa Malabon, naaresto naman ang babaeng Chinese national na si Tuan Xi Yuan alyas Wendy.

Ikinasa ang operasyon sa Road 25 Brgy. Dampalit kung saan nakuha sa suspek ang nasa P27M na halaga ng ilegal na droga.

Inihahanda na ang kaso laban sa mga naarestong suspek.

 

 

Read more...