Global cases ng COVID-19 sumampa na sa mahigit siyam na milyon

By Dona Dominguez-Cargullo June 22, 2020 - 06:25 AM

Umakyat na sa mahigit siyam na milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, 9,030,680 na ang global cases ng COVID-19.

Sa nasabing bilang, mayroong mahigit 469,000 na ang nasawi.

Umabot naman na sa halos 4.8 million ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 3.7 million pa ang aktibong kaso kung saan mahigit 54,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 122,000 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 3,000 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

 

TAGS: 9 million, covid cases, covid pandemic, COVID-19, global cases, global deaths, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, 9 million, covid cases, covid pandemic, COVID-19, global cases, global deaths, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.