Presyo ng produktong petrolyo muling tataas ngayong linggo

Sa ikapitong sunod na linggo may nakaamba muling pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Bukas, araw ng Martes inaasahan ang dagdag na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis.

Tinatayang 65 centavos hanggang 75 centavos ang dagdag sa kada litro ng diesel at gasolina.

Habang 20 centavos hanggang 30 centavos naman ang posibleng dagdag sa kada litro ng kerosene.

Ngayong araw iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang eksaktong halaga ng ipatutupad na dagdag presyo.

 

 

Read more...