Bilang ng COVID-19 active cases sa Laguna nasa 149 na

By Mary Rose Cabrales June 22, 2020 - 05:38 AM

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Linggo, June 21, 3PM), nadagdagan ng 12 ang active cases sa lalawigan kaya ito ay umabot na sa 149.

Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:

San Pedro (Larger Community) – 15
San Pedro (BJMP) – 27
San Pedro (PNP) – 16
Biñan (Larger Community) – 27
Biñan (PNP Custodial Facility) – 2
Biñan (BJMP) – 1
Santa Rosa – 26
Calamba – 12
Cabuyao – 5
San Pablo – 6
Santa Cruz – 3
Pila – 1
Bay – 1
Calauan – 2
Alaminos – 1
Nagcarlan – 1
Pagsanjan – 1

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 42 habang ang bilang naman ng nakarecover na ay 444 kung saan nakapagtala ng 12 bagong recoveries.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 635.

Samantala, nasa 1,515 naman ang bilang ng suspected cases at 78 ang probable cases.

 

 

 

TAGS: covid cases, Inquirer News, laguna, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, Inquirer News, laguna, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.