New Bataan, Davao de Oro niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao de Oro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 40 kilometers southwest ng bayan ng New Bataan alas-2:27 madaling araw ng Lunes (June 22).

May lalim na 25 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...