Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 423

By Mary Rose Cabrales June 22, 2020 - 05:26 AM

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Linggo, June 21) , nadagdagan ng 6 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 423 habang 142 ang active cases.

Nanatili sa 77 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 642.

Samantala, nasa 123 ang bilang ng probable habang nasa 567 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

 

TAGS: covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.