Bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19, 499 na

By Mary Rose Cabrales June 22, 2020 - 05:01 AM

Nadagdagan pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, June 21 6PM) umakyat na sa 499 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 .

Sa nasabing bilang ay mayroong 288 pulis na nakarecover na habang 8 ang nasawi.

Tumaas din ang bilang ng probable case ng COVID-19 sa PNP na nasa 661 na at 875 naman ang suspected case.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

 

 

TAGS: covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.