La Carlota City, Negros Occidental muling niyanig ng malakas na lindol
Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 20 kilometers northeast ng bayan ng La Carlota City, alas-2:06 madaling araw ng Lunes (June 22).
May lalim na 4 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang instrumental intensity 2 sa La Carlota City, Negros Occidental.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Nauna ng niyanig ng magnitude 4.6 at 3.4 na lindol ang Carlota City, Negros Occidental kaninang ala-1:01 at 1:34 ng madaling araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.