Class 76 at 81 ng PMA may pinakamaraming 4-star generals

pma four starIbinida ni former Armed Forces Chief of Staff General Alexander Yano na ang batch na kanyang kinabibilangan ang isa sa dalawa lamang na klase sa Philippine Military Academy (PMA) na nagkaroon ng pinakamaraming 4-star generals.

Ang four-star rank ay binibigay sa AFP Chief of Staff at sa PNP chief, at sa magkahalintulad na posisyon sa armed forces ng ibang bansa.

Si Yano o mas kilala sa tawag na “Onay” ng kanyang mga kaklase ay kabilang sa PMA Magilas Class of 1976 na may apat na miyembrong may 4-star ranks. Ang tatlong iba pa ay sina former AFP chief of staff Victor Ibrado, former PNP Chief Jesus Versoza, at Royal Thai Army General Tumrongsak Deemongkol, o Tui sa kanyang mga kaklase.

Ayon kay Yano, si General Tumrongsak na nagtapos na Top 8 sa kanilang klase ay minsan na ring naging Defense Attache ng Thailand sa Pilipinas noong ito ay isang koronel pa lamang. Sa nakaraang PMA Alumni Homecoming parade noong Sabado, a-bente ng Pebrero, bumalik pa sa Pilipinas si Tumrongrak kasama ang kabiyak nito upang makasama ang kanyang mga mistah sa parada.

Ang isa pang batch na may apat ding 4-star generals ay ang PMA Dimalupig Class of 1981. Ito ay kinabibilangan nina Royal Thai Army General Thawip Poonsiri Netniyom, na nagtapos na Number 1 sa kanilang klase; dating PNP chief General Alan Purisima; at ang dalawang dating AFP chief of staff na sina General Emmanuel Bautista at General Gregorio Pio Catapang Jr.

Read more...