La Carlota City, Negros Occidental muling niyanig ng may kalakasang lindol; magnitude 3.4 naitala

Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang lalawigan ng Negros Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 14 kilometers northeast ng bayan ng La Carlota City, ala-1:34 madaling araw ng Lunes (June 22).

May lalim na 6 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Naitala ang instrumental intensity Intensity 2 sa La Carlota City, Negros Occidental.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Nauna ng niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang La Carlota City, Negros Occidental kaninang ala-1:01 ng madaling araw.

 

 

Read more...