Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (June 21, 3:00 PM) nakapagtala ng 26 na bagong kaso kaya pumalo na sa 2,028 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 485
Laguna – 597
Batangas – 268
Rizal – 532
Quezon – 146
Nasa 1,066 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng lima na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 188
Laguna – 338
Batangas – 179
Rizal – 263
Quezon – 107
Nadagdagan ng isa ang COVID-19 related deaths kaya umabot na ito sa rehiyon sa 180.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 35
Laguna – 38
Batangas – 30
Rizal – 67
Quezon – 10