BREAKING: Mga ngapositibo sa COVID-19 sa Pilipinas, 30,052 na

Nadagdagan pa ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Linggo ng hapon (June 21), umabot na sa 30,052 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sinabi ng kagawaran na 653 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 415 ang “fresh cases” habang 238 ang “late cases.”

Nasa 19 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,169 na.

Ayon pa sa DOH, 243 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 7,893 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...