Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na katao matapos maaktuhan na may dalang 20 kilo ng agarwood na nagkakahalaga ng P3.2 milyon.
Nakilala ang mga suspek na sina Ramil Ong, Bernie Bagay, Rizal Mofar at Arjhun Gaviola.
Naaresto ang apat sa Pasig City at Cainta, Rizal.
Ipinagbabawal ng DENR ang pagputol ng agarwood.
Ang agarwood ay isa sa pinakamahal na “raw materials” sa paggawa ng pabango na umaabot ang presyo sa P160,000 kada kilo sa Pilipinas.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, patuloy na pangangalagaan ng kanilang hanay ang kalikasan.
“This clearly sends out the message that the government’s campaign against environmental offenders remains unrelenting despite a pandemic that is wreaking havoc worldwide,” pahayag ni Cimatu.
Nahaharap ang apat na suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o ang Wildlife Resources and Protection Act at Presidential Decree 705 o mas kilala sa Revised Forestry Code of the Philippines.
Nakapiit ang mga ito sa NBI detention facility sa Manila habang hinihintay ang pagdinig sa kanilang kaso.