(updated) Positive sa Middle East Respiratory Syndrome (MERS) ang isang 36-anyos na dayuhan na galing sa Saudi Arabia.
Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Janette Garin, nasa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ngayon ang dayuhan at nagpapagaling.
Galing Dubai ang nasabing dayuhan at dumaan muna sa Saudi Arabia bago umuwi ng Pilipinas.
Nakaranas ng ubo at lagnat ang dayuhan noong July 2 na ika-labingdalawang araw ng incubation period ng MERS.
Kusa itong nagtungo sa isang pribadong pagamutan bago dinala sa RITM noong Sabado kung saan siya nasuring positibo sa sakit.
Sinabi ni Garin na mababa MERS virus sa katawan ng pasyente na nangangahulugang mataas ang recovery rate ng pasyente.
Samantala, isang Pinay na nagkaroon ng close contact sa dayuhan ang nasa RITM din ngayon matapos makitaan ng sintomas ng MERS.
Tinatayang 200 pasahero naman na nakasabay sa flight ng dayuhan ang pinahahanap na ng DOH.
May pitong iba pang katao na nagkaroon din ng close contact sa naturang dayuhan ang nasa home quarantine na./ Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.