Cortes, Surigao del Sur niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 3.5 na lindol sa Cortes, Surigao del Sur Linggo ng tanghali.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 12 kilometers Southeast ng Cortes bandang 12:18 ng tanghali.

28 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Wala namang napaulat na pinsala sa naturang bayan.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...