COVID-19 cases sa Mandaluyong City, nasa 842 na

Pumalo na sa 842 ang bilang ng nagpositibong residente ng Mandaluyong City sa COVID-19.

Sa datos ng Mandaluyong City Health Department hanggang 4:00, Sabado ng hapon (June 20), 15 ang bagong napaulat na kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod.

Sa 842, 214 ang aktibong kaso.

158 ang itinuturing na probable cases habang 1,078 ang suspected cases kung saan 3,039 ang cleared na.

Nadagdagan naman ng 14 ang mga bagong gumaling.

Dahil dito, 564 na ang total recoveries ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

Nasa 64 residente sa Mandaluyong ang pumanaw bunsod pa rin ng pandemya.

Read more...