Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Sarangani, Davao Occidental Sabado ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 216 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 1:09 ng hapon.

43 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa naturang bayan.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...