Na-repatriate na overseas Filipinos, umabot na sa halos 50,000 – DFA
Umabot na sa 49,520 na overseas Filipinos (OFs) ang na-repatriate simula nang magpauwi ng mga Filipinong apektado ng COVID-19, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Naitala ang nasabing datos mula February hanggang June 19.
Ayon sa kagawaran, sa nasabing bilang, 28,816 o 58.2 porsyento ang sea-based habang 20,704 o 41.8 porsyento ang land-based.
Karamihan sa mga bagong napauwing OFW ay mula sa Canada, Netherlands at UAE.
Sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang repatriation sa mga nais umuwi ng Pilipinas.
Inabisuhan ng DFA ang sinumang OF na nais makauwi ng Pilipinas ay maaaring ipagbigay-alam sa embahada o konsulado sa kanilang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.