Magnitude 4.5 na lindol tumama sa Calayan, Cagayan
By Angellic Jordan June 20, 2020 - 12:41 PM
Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Calayan, Cagayan Sabado ng umaga.
Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 46 kilometers Southwest ng Calayan bandang 11:49 ng umaga.
16 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity II – Pasuquin, Ilocos Norte
Intensity I – Laoag City
Sinabi naman ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa naturang bayan.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.