Pagpapasigla ng lokal na turismo inihirit ni Sen. Totentino
Ipinanawagan ni Senator Francis Tolentino sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na madaliin ang pagbibigay ng accreditation sa mga local hotel.
Naniniwala ang senador na isa ito sa makakatulong sa pagbangon ng industriya ng lokal na turismo.
Ipinagdiinan ito ni Tolentino sa pagdinig ng Senate Committee on Local Government kaugnay sa mga paghahanda para sa pagbubukas ng local tourism industry sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).
Ayon kay Tolentino, bago ang pagsisimula ng operasyon, kinakailangan ng mga hotel ng reopening accreditation mula sa Department of Tourism (DOT) at kapag walang sertipikasyon ay hindi maaring makapagbukas ang establismento.
Pinuna nito ang limitadong bilang ng DOT regional offices na maaring magbigay ng accreditation at aniya, “ for instance in Zamboanga City, they will have to get it in Pagadian City.”
Sinang-ayunan naman ni Jose Clemente, president ng Tourism Congress, ang posisyon na ito ni Tolentino sa pagsasabing isa ito sa mga isyu ng kanilang mga miyembro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.