Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 6:18 ng gabi ngayong Biyernes, June 19 katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Bataan at Pampanga.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa sumusunod na mga lugar:
– Metro Manila (Muntinlupa, Las Pinas, Taguig, Paranaque)
– Tarlac (Mayantoc, Paniqui)
– Bulacan (Dona Remedios Trinidad, Norzagaray)
– Rizal (Antipolo, Tanay, Rodriguez, Pililla)
– Laguna (SantaMaria, Famy, Magdalena, Majayjay, Lumban, Cavinti, Luisiana)
– Quezon (Lucban, General Nakar, Mauban, Tayabas)
– Cavite (Bacoor, Imus)
– Batangas (Laurel, Tuy)
– Nueva Ecija (General Tinio)
– Zambales
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa mabababang lugar sa posibleng pagkakaroon ng flash flood.